Mahal kita. Mahal kita sa bawat araw na naiisip kita. Mahal kita sa bawat segundo na kasama kita. Mahal kita tuwing inaaway kita. Mahal kita tuwing nahihirapan ka at kailangan mo ng kasama. Mahal kita mula noong unang beses kitang makita. Mahal kita mula limang taon na ang nakalilipas.
Mahal na nakakatakot. Mahal na ibibigay mo ang lahat, buong-buo. Mahal na masakit at masaya. Mahal na sasabihin ko ba ito sa 'yo?
Hindi ko maiwasang isipin, meron ba akong nagawa? O mayroon ba akong hindi nagawa? Baka nga hindi ito tungkol sa 'kin, baka tungkol ito sa pag-ibig na wagas at mapagpalaya. Tungkol ito sa pagbibigay-daan sa puro at dakila. Walang kapalit, walang hinihingi. Tungkol ito sa mga bagay na pwedeng iwan sa mundong dinatnang makasarili, nakahawla.
Parte ito ng ating Ikigai. Kasama ng pagbuo ng ideyal na buhay ang kakayanang mag-alay ng pag-ibig.
Ano ang mali sa pagsubok? Mabuti nang sumubok at mabigo, kaysa hindi masubukan magpakailanman.
No comments:
Post a Comment